Mga Malay

Tumuturo dito ang Malayo at Melayu. Para sa ibang gamit, tingnan ang Malay (paglilinaw). Ang mga Malay (Malay: Melayu; Kastila: malayo) ay isang pangkat etnikong Awstronesyo mula sa Timog-silangang Asya na pangunahing matatagpuan sa Bruney, Indonesia at Malaysia. Bagaman isang menorya ngayon sa Singapore, sila rin ang kinikilalang mga katutubo ng lungsod-estado. May higit-kumulang 300 milyon ang bilang ng mga Malay. Malay ang lingguwa prangka ng mga Malay, bagaman sa iba't ibang yugto ng kanilang kasaysayan ay natuto rin sila ng Portuges, Olandes at Inggles. Maliban sa mga wikang nabanggit, nagsasalita rin ng sari-sarili nilang mga lokal na wika ang mga Malay, na nabibilang sa pamilyang Awstronesyo. Ang Arabe naman ang mga wikang liturhiko ng mga Malay.


Developed by StudentB